Conversations

Panunuyo At Pagsinta

Noong mga panahong…

Akala ko ako lang ang naghihintay.

Akala ko matagal na akong naghihhintay.

Akala ko alam ko na kung ano ang tunay na paghihintay.

Sumasagi na sa isip ko ang mga tanong na,

“Meron ba? Meron bang tao na kaya akong tanggapin ng buong-buo kasama mga di kanais-nais sa akin?”

“May kaya bang manatiling ako’y mahalin matapos ang mga matinding kasalanan at pagkakamaling nagawa at magagawa ko pa o pa rin?”

“May tao bang susumpa na ako ay susuyuin hanggang sa dulo ng aming buhay anuman ang pagdaanan namin?”

“May susugal ba na paulit-ulit na magtiwala na masusuklian ko rin ang pagmamahal at pagsuyong alay sa akin?”

“May naghahangad ba na ako ay makasama sa bawat sandali, sa ligaya o pighati?”

Gusto kong…

Maniwala na mayroong isang nilikha para maging aking katadhana.

Mapatunayan na ang tunay na pagmamahal ay higit pa sa aking inaakala.

Masukat ang aking kakayanang magmahal nang lubos at walang pag-aalala.

Ngunit ako’y…

Tila nababahala na walang darating.

Nagdududa sa kakayanan at kapasidad ng tao na magmahal ng gaya ng aking dalangin.

Unti-unting nawawalan ng pag-asa kung ang ninanais ko ba ay matutupad rin.

Doon…

Doon ka lumapit at sinabi sa akin,

“Mahal kita at mamahalin kita hanggang sa matutunan mo akong mahalin.”

“Mahal kita higit pa sa kaya mong intindihin.”

“Nandito ako, sinusuyo ka sa bawat sandaling naghihintay ka ng ibang darating.”

“Nasa tabi mo ako ng iniwan ka at binalewala ng mga inakala mong nagmamahal sayo.”

“Nandito lang ako. Naghihintay bawat segundo, nagbabakasakaling maramdaman mo na ang pagmamahal ko ay totoo.”

“Hindi mo man mapansin o maibalik ang pagmamahal at panunuyo ko, sumusumpa ako ng habangbuhay na katapatan sayo.”

“Wag ka ng malungkot, aking prinsesa, mahal kita. Wala ng hihigit pa.”

Doon ko naintindihan,

Na ako pala ay nabulag ng aking mga mata.

Naghahanap ng pagmamahal na di kayang tumbasan o ibigay ng iba.

Naghahagilap sa maling lugar at naghihintay sa maling tao.

Naghahangad ng bagay na matagal ko na palang natatamo.

Tumangis ang buong kalooban ko…

“O, Ama ko, patawarin mo po ako.”

“Ang pagmamahal mo ay lubos at sapat para sa pangangailangan ko.”

“Salamat sa matamis na pagsuyo at patuloy na panunuyo.”

“Salamat rin at sa akin ikaw ay hindi sumuko.”

“Ngayong mulat na ang aking mga mata, pag-ibig ay hindi na hahanapin sa iba.”

“Ikaw ang bukal ng tunay na panunuyo at pagsinta.”

“Ikaw para sa akin ay sapat na.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s